mywap
Ano ang Ayaw ng Babae at Lalaki sa Isat1
By: jorgelovesyou
Added: 13May2011 - 10:28:41am
Title: Ano ang Ayaw ng Babae at Lalaki sa Isat1
Matapos ang mga bukambibig ng lahi ni Eba at Adan, narito naman ang ilang mga katangian na ayaw ng babae at lalaki sa isa't isa.

Tinanong ko ang isandaang katao sa aking panaginip at narito ang kanilang mga sagot in no particular order.





MGA AYAW NG BABAE SA LALAKI



1. Torpe - ayaw na ayaw daw ng mga babae ang ganito. Walang lakas ng loob na sabihin ang kanyang nararamdaman. Yung tipon'g ligaw-tingin lang at masaya na kapag natatanawan ang babaen'g kanyang minamahal.



2. Follower - hindi sa twitter. Follower: Sunud-sunuran na lamang sa lahat ng utos ng babae. Yun ba'ng kayang kaya syang paikutin. Parang di-remote control lang ang buhay ng lalaki. Walang sariling desisyon.



3. Boring - walang sense of humor at hindi magawang pangitiin o patawanin ang babae kapag sila'y magkasama. Daig pa ang bato.



4. Immature - lahat daw ay big deal sa kanya kahit na napakaliit na bagay. Nagagawa'ng palakihin ang mga simpleng di pagkakaintindihan. Parang bata na inagawan ng kendi.



5. Dependent - yung tipo'ng kapag wala ang GF, hindi na umiikot ang buhay nya. Parang walang ibang pwedeng gawin kapag wala ang babae. As in sa babae lang nakatutok ang buhay niya. Tipo'ng ayaw kumain dahil namimiss si GF, eh wala naman sa babae ang kutsara.



6. Sobrang Seloso - normal lang naman ang magselos ngunit napapasama kapag sobra na. Kulang na lang pati alagang aso pagselosan.




Ooppps. Heto naman ang side ng mga kalalakihan:




MGA AYAW NG LALAKI SA BABAE



1. Talak-aton - mga babae'ng talak ng talak o putak ng putak. Walang pinipiling lugar; sinehan, mall, o minsan kahit sa simbahan. Tanggal tutuli mo dahil sa sobrang pagbubunganga nya. Turn-off talaga to.



2. Gold digger - mga "bilmoko nun bilmoko nyan" na babae. As in lahat-lahat pati napkin, ipapabili sa lalaki. Bangko ang tingin sa BF. Walang pakialam kung mabutas na ang bulsa ng lalaki masunod lamang ang gusto niya.



3. Ms. Right - ayaw makinig sa sasabihin ng kanyang kapareha. Laging siya ang tama. Walang tinatanggap na opinyon o paliwanag. Mahirap baguhin ang ugali'ng ito dahil sa pride.



4. Psycho - ginagawang kumplikado ang mga bagay-bagay na madali namang intindihin at ipaliwanag. Hindi nagpapatalo at napakarami ng insecurities sa buhay at sa isang relasyon.



5. Burara - Burara sa katawan: Nangangamoy ang kili-kili sa sobrang baho, hindi rin marunong magsipilyo matapos kumain o magmumog man lang para matanggal ang tinga sa ngipin. Burara sa Bahay: Hindi rin marunong maglinis kahit simpleng walis ng bahay. Para ka'ng nasa Boracay dahil sa mga buhangin na matatapakan mo pagtuntong sa kanyang tahanan.



6. Silent Treatment Ladies - galit na, ayaw pa'ng sabihin, Nananahimik lang. Gusto laging huhulaan ang mga iniisipnya. Dapat nababasa mo ang bawat galaw ng kilay at pagikot ng mga mata nya. Dapat magaling ka'ng manghula.




Maaaring may mga lalaki at babae na ang ugali'y kumbinasyon ng mga nabanggit. Paalala'ng muli na ito ay katuwaan lamang at walang pinatutungkulan na sinuman. Subalit ang sinuman'g tamaan, wala na ako'ng kasalanan.
Add Comment
Comments(24)
Other
All myBlogs of jorgelovesyou
myBlogs
 Home Login Register