mywap
Bespren by Paul Diaz
By: jjjkira
Added: 14May2010 - 02:46:47am
Title: Bespren by Paul Diaz


Chapter 7: Feelings



Kinabukasan ng dismissal inaantay ni Annika si Pipoy habang ang mga girls nagtatago. Nahanap sila ni Sarry at tinawag na para magpractice, "Oy halina kayo at magpractice na tayo" sabi ni Sarry. "Sarry nasan si Pipoy?" tanong ni Annika. "Ay andun sila ni Anne nagprapractice" sagot ni Sarry at hinihila niya si Beverly. "Bakit ako di ako kasama?" tanong ni Annika at nagtawanan sila. "Sige ikaw nalang pumalit sa akin ayaw ko sumayaw" sabi ni Ella. "Di rin ako marunong sumayaw, di ba pwede trio nalang kami nina Pipoy?" tanong ni Annika at lalo pa sila nagtawanan. "Marunong ka ba kumanta?" tanong ni Beverly at ngumitisi si Annika. "Kaya nga may practice diba?" sagot niya.
Kahit hindi kasama ay sumama si Annika at doon nakita niya si Anne at Pipoy na nagtatawanan. "Akala ko ba practice e bakit sila nagtatawanan?" tanong ni Annika at natawa si Vem. "Nagseselos ka ba?" tukso ni Ella. "Sus hindi ah, bakit naman ako magseselos e may boyfriend naman ako" sagot ni Annika. "E bakit mo di mo siya kasama akala ko ba susunduin ka niya today, o bakit ka nandito?" tanong ni Robert at di siya pinansin ni Annika. "Alangan na kasama ko siya nalang lagi, nakakasawa na yon" sumbat ni Annika at nagtaas ng kilay.
"E bakit di ka nagsasawa kay Pipoy? O parang ikaw ang buntot niya, kung saan siya nandon ka din" tukso ni Sarry at nagtaray na at nagawala si Annika at lahat ng tao sa kwarto napatingin sa kanya. "Miss Ramirez kasama ka ba dito?" tanong ni miss Kristine. "Hindi po mam pero gusto ko tumulong" sabi ni Annika. "Ay good, sige iha make yourself useful doon sa planning at decoration committee" sabi ng guro at napasimangot si Annika.
Lahat napatigil nang biglang kumanta si Anne, tulala ang lahat sa ganda ng boses nya at pati si Annika napanganga nalang. Hanggang matapos ang kanta wala parin gumagalaw hanggang sa nagpatawa si Pipoy na lalo pa niya pinalakihan ang mga mata sabay nganga at tinignan si Anne. Napatawa si Anne pero palakpakan ang lahat ng nasa kwarto maliban kay Annika na sumubok din kumanta pero silang kaya nagtawanan ang mga girls.
"Ah shet yang babaeng yan, bwisit makapag help na nga sa decoration committee" bulong ni Annika at habang naglalakad siya biglang si Pipoy naman ang kumanta.
"Mayroon akong nais malaman, maari bang magtanong..." kanta ni Pipoy tumayo ang lahay ng balahibo ni Annika at lalo siya napanganga. "Sige" sumbat naman ni Anne kaya napatigil si Pipoy at tumawa. "Wag mo ako papatawanin kasi" sabi ni Pipoy at bumalik si Annika sa tabi ng mga kaibigan niya. "Si Pipoy ba yon?" tanong ni Annika at nagulat ang girls at boys. "Don't tell me di mo alam he can sing?" tanong ni Beverly. "Di sya kumakanta" sabi ni Annika.
"Meron akong nais malaman, maari bang magtanong...alam mo bang matagal na kitang iniibig, matagal na akong naghihintay....ngunit mayroon ka nang ibang minamahal, kung kayat di mo ako pinapansin...ngunit ganon pa man nais kong malaman mo..ang puso kong ito para lang sa iyo...." kanta ni Pipoy at muling natulala si Annika pagkat sa kanya nakatingin si Pipoy kaya siya ay napangiti pero biglang tinignan ni Pipoy si Anne at tinuloy ang kanta.
Tinapos ni Pipoy ang buong kanta mag isa, bumirit pa sya at palakpakan ang lahat. Super ngiti si Annika kahit na tapos na ang kanta kaya kinailangan pang yugyugin sya para matauhan. "Oy don ka na sa committee mo" sabi ni Vem at super ngiti parin at kinikilig si Annika. Naglakad na siya papunta sa committee pero si Anne naman ang kumanta ng same song at pagtingin niya ang lagkit ng tingin ni Anne kay Pipoy kung kaya nairita ulit siya at bumalik sa grupo.
"Shet talaga yang babaeng yan" bulong nya ang nanggagalaiti sya sa galit. Parang batang nagtatantrum si Annika at lakad ng lakad sa kwarto hanggang sa matapos ang kanta. Nakita niya na paalis na si Pipoy kaya agad niya sinundan ito. "Poy san ka punta?" tanong ni Annika. "Uuwi na, tapos na kami, bukas na itutuloy daw para di mabinat ang vocal chords" sagot ni Pipoy. "Tara na, saka na ako tutulong sa decors" sabi ni Annika at pumayag naman si Pipoy.
Habang naglalakad ay binabangga ni Annika si Pipoy at tuluyan na siyang napatingin sa kanya. "Bakit?" tanong ni Pipoy. "Ikaw ha, di mo sinasabi magaling ka kumanta" sagot ni Annika at tumawa si Pipoy. "Kumakanta naman ako pag birthday mo ha, sumasabay pa kami nina mommy at daddy" biro niya at kinurot siya ni Annika at nagulat si Pipoy pagkat ngayon niya lang ginawa nito. "Iba yon, yung tulad kanina na kanta" paliwanag ni Annika.
"Ah wala yon tsamba lang, di ko nga din alam marunong ako e" palusot ni Pipoy at nagtawanan sila. "Pero, uy...uy...type mo si Anne ano?" biglang tukso ni Annika at natawa si Pipoy. "Anong pinagsasabi mo? Kaklase ko lang yon tapos nagkataon lang na napili kami magduet no" sabi ni Pipoy. "E she is pretty kaya, uy aminin" hirit ni Annika at nakita nyang napangiti si Pipoy. "Hmmm oo nga, pero alam mo lately ko lang nareeralize na nakikipag usap na ako sa ibang babae. Dati kasi kayo lang apat, tapos pag ibang babae na nahihiya na ako pero now...lots of things are changing" sabi ni Pipoy sabay napatingin sya sa langit. Alam ni Annika dumating ang pagbabago sa kanya mula nung nagkaroon siya ng boyfriend.
"Pero do you like her?" hirit ni Annika at muling natawa si Pipoy. "Annika di porke maganda si Anne like ko na agad. Oo maganda siya, magaling kumanta, o di ko pwede sabihin like ko na agad, admire siguro kasi magaling kumanta. Pero like? Di pa" sagot ni Pipoy at napasimangot si Annika. "Anong hindi pa? So ibig mo sabihin you will like her ganon?" tanong ni Annika at tinignan ni Pipoy ang kaibigan niya. "Why? Siya ba yung napili mo para sa akin?" sumbat ni Pipoy at natahimik si Annika.
"What if oo?" sabi ni Annika at tinignan niya si Pipoy pero bigla siya niyakap ng kaibigan niya at nagkatitigan sila sa mata. Bumilis ang tibok ng puso ni Annika at nangsimula siya manginig, "Annika watch where your going...look muntik ka na tumama sa poste" sabi ni Pipoy at pagtingin niya may poste nga talaga.
"Si Anne ba ang gusto mo para sa akin?" tanong ni Pipoy at kahit masakit sa loob niya sumagot si Annika ng oo kunwari. Bumitaw si Pipoy at nagtuloy ang lakad nila pero tahimik lang siya kaya muli siya binangga ni Annika. "Ano, what is she is the one I like for you...liligawan mo ba?" tanong ni Annika. "Nope" sagot ni Pipoy pero hindi maniwala si Annika. "Uy...ayaw pa aminin e ang sweet niyo kanina" tukso ni Annika. "Ah basta no parin" sagot ni Pipoy at natuwa si Annika.
Nakaabot sila sa kanila, hinatid ni Pipoy si Annika sa pinto nila sabay naglakad narin papunta sa bahay nila. "Poy, bakit naman ayaw mo si Anne?" tanong ni Annika at tumigil si Pipoy at nilingon ang kaibigan niya. "Coz she isn't you" sabi nya at binilisan na ang lakad niya papunta sa kanila. Lumukso ng todo ang puso ni Annika, sa sobrang tuwa tumalikod sya at bigla siya naumpog sa pinto, di pa pala ito nakabukas.
Naging kampante si Annika, nag quit na siya sa committee at pati yung ibang girls umayaw sa pagsayaw nadamay tuloy ang mga partner nila. Araw araw may practice si Pipoy kaya di sila nagsasabay ni Annika. Si Bobby lagi kasama ni Annika at lalo sila napapalapit sa isat isa.
Isang Huwebes half day lang sila nagmamadaling umuwi si Pipoy pero nahabol siya ni Annika. "Poy! Sandali" sigaw ni Annika. Tumigil si Pipoy, "Poy favor naman o pakigawa naman yung report ko, nakalimutan ko gawin e tapos bukas na ipapass" lambing ni Annika. "Annika wag ngayon kasi..." sagot ni Pipoy pero lalo pa siya nilambing ni Annika. "Sige na Poy, please...please...please...Poy sige na" sabi nya. "Annika pwede mamayang gabi nalang?" tanong ni Pipoy
Nagsimangot si Annika at nagdabog, "Bakit kasi hindi mo ginawa? Parang di ikaw yan. Yan ba ang number one sa school? Ano ba pinag gagawa mo kasi?" tanong ni Pipoy at guilty si Annika pagkat lagi niyang kasama si Bobby lately kaya medyo nakakalimutan niya ang mga takdang aralin niya. "Kung ayaw mo wag nalang, di ko nalang gagawin di rin lang aabot...ikaw sana kasi mabilis ka magtype at pagdating sa reports mag magling ka sa akin" drama ni Annika at huminga ng malalim si Pipoy at parang sumakit ang ulo.
"Sige alis na ako" sabi ni Annika. "Akin na nga" sabi ni Pipoy at agad ngumiti si Annika at inabot ang report papers kay Pipoy. "Thank you talaga Poy, thank you thank you thank you" sabi ni Annika sabay hinalikan niya si Pipoy sa pisngi. Bumalik sa school si Annika pero paglingon niya nakita niya si Pipoy na nakayuko at nakahawak sa ulo niya.
Sinundo ni Bobby si Annika at kumain sila sa labas pagkat half day din sila. Bandang alas dos nakipagkita sila sa mga team mates ni Bobby at medyo nabwisit si Annika pagkat manonood nanaman siya ng practice nila at wala nanaman siyang makakausap. Sumama nalang siya pero nagtataka siya bakit papunta sila sa school nila. "Bobby bakit dito kayo sa school namin pupunta?" tanong ni Annika. "First game ng championship today, school namin at school niyo ang maglalaban" sabi ni Bobby at natulala nalang si Annika sa gulat.
Pagdating nila ng campus nakita ni Annika sina Beverly at Sarry, "Si Pipoy?" tanong ni Annika, "Baka nandon na sa loob, bili lang kami makakain" sagot ni Sarry. Nakahinga ng maluwag si Annika kaya sumama na siya kina Bobby. Sa loob ng gym nakiupo si Annika sa mga kaibigan niya at pilit niya hinahanap si Pipoy. "Nasan si Pipoy?" tanong ni Annika. "Nasa dug out pa sila baka nagdadasal, don't worry lalabas narin sila any moment" sagot ni Robert pero kinakabahan si Annika.
Lumabas na ang school team at nagsigawan na ang crowd, hindi mahanap si Pipoy kaya tumayo si Annika at nilabas phone niya. Sinubukan niya tawagan si Pipoy pero nakapatay ang phone nito, di mapakali si Annika at nagdasal na dumating sana si Pipoy.
Nagsimula na ang laro at wala talaga si Pipoy, madaming nakatingin kay Annika tila hinahanap si Pipoy sa kanya. Umalis si Annika at tumakbong pauwi, thirty minutes after nakarating na siya doon at dumiretso sa bahay nina Pipoy. Pinapasok siya ng mommy ni Pipoy at dumiretso si Annika sa taas.
Pagbukas niya ng pinto napansin ni Annika ang uniform ni Pipoy sa kama, nakita niya ang kaibigan niyang nakaharap sa computer at ginagawa ang report niya. "Poy, sorry talaga hindi ko alam na game niyo today" sabi ni Annika. "Okay lang" sagot ni Pipoy. "Poy baka pwede ka pa humabot" sabi ni Annika. "Its too late Annika, pagdating ko doon tapos na" sagot ni Pipoy at tinutuloy nya lang ang pag gawa ng report ni Annika.
Di alam ni Annika ang sasabihin niya, sobra siyang nahihiya kaya naupo nalang siya sa kama at pinagmasdan ang kaibigan niya. "Poy sorry talaga sana nakinig ako sa sasabihin mo kanina, sana tumanggi ka nalang" sabi ni Annika at tinignan siya ng kaibigan niya. "Annika alam mo naman na di kita kaya tanggihan, don't worry just have faith nalang sa school team natin. It's a team game naman" sabi ni Pipoy. "E pano kung matalo?" tanong ni Annika. "E di talo, may game two pa naman, and if we win there magkakaroon ng game three pa, so tiwala lang" sagot ni Pipoy. "Ako nalang magtuloy niyan" alok ni Annika. "Ako na, malapit narin matapos ito, sige na uwi ka na kaya ko ito and don't worry about the game" sabi ni Pipoy. Masama parin ang loob ni Annika at hiyang hiya talaga siya, iniwan niya si Pipoy at umuwi at lalo pa syang nadismaya nang nagtext si Ella para sabihin na talo sila.
Biyernes ng umaga sabay pumasok sa school ang dalawa, inabot ni Pipoy ang report at di parin nakayanan ni Annika ngumiti. Nang malapit na sila sa school ay sinalubong sila ni Vashty at galit na galit ito. "Pare ano nanaman ba nangyari?" tanong niya. Sasagot sana si Annika pero hinawakan siya ni Pipoy sa braso at tinago sa likod niya, "Sorry pare sumakit tyan ko at din a ako nakapagtext" palusot ni Pipoy. "Tsk pare sayang yon e...hay naku Pipoy pare...pag ako sa iyo wag ka nang pumasok" sabi ni Vashty at nagulat si Annika.
Dumating narin ang iba nilang kaibigan at pinipigilan pumasok si Pipoy. "Pare mag palate ka nalang pare, inaabangan ka ng marami" sabi ni Sarry. "Galit na galit sila pare lalo na yung mga natalo sa pustahan. Tinatawag ka nga nilang kakutsaba ng kalaban e" kwento ni Robert at napangisi nalang si Pipoy. Hiyang hiya si Annika at napaluha na siya, niyakap siya ni Pipoy at pinapakalma. "Pare will you make sure na safe siya, mamaya narin kayo pumasok...ako na muna" sabi ni Pipoy.
"Pare wag na, antayin nalang natin yung mga teachers natin. Pumunta sina Beverly at Ella para tawagin sila" sabi ni Sarry. "Hindi pare, this is my fault so haharapin ko ito. Sige na layo na muna kayo at papasok na ako" sabi ni Pipoy at hinarang siya ni Vashty. "Tol wag na, makinig ka sa amin antayin nalang natin mga teachers para walang gulo" sabi nya pero tinitigan siya ni Pipoy at pinatabi.
Hinawakan ni Robert si Annika pagkat kumapit siya kay Pipoy, naglakad na papasok ang kaibigan niya at doon ang daming nag aabang na estudyante na galit na galit sa kanya. "Traydor!!!" may isang sumigaw at biglang natamaan ng itlog ang paanan ni Pipoy pero nagtuloy sya sa paglalakad. Pinagbabato si Pipoy ng kamatis at itlog, tumayo lang siya sa gitna at niyuko ang kanyang ulo.
Naiyak na si Annika at wala siyang magawa kundi panoorin ang kaibigan niyang pinagbabato at pinagsisigawan ng mga schoolmates. Halos dalawang minuto na pinagbabato si Pipoy, madungis na ang suot niya sa nagkalat na kamatis at itlog. Ilang beses din siya natamaan sa ulo pero hindi niya ininda ito. Humupa ang mga estudyante at tinignan sila lahat ni Pipoy.
"Sana kuntento na kayo sa nagawa niyo. Kung hindi pa sige kumuha pa kayo ng bala niyo at maghihintay ako dito!" sigaw ni Pipoy at lumabas na ang mga guro at nilapitan siya. Nagdisperse na ang mga estudyante pero di parin matigil ang pagsisigaw nila ng masamang salita tungkol kay Pipoy.
"Siguro may kinalaman ka dito?" bulong ni Vem kay Annika habang pinapatahan niya ito. "I really didn't know...alam niyo naman ako wala ako hilig sa sports...di ko alam may game kahapon...pero kasalanan ko talaga kasi di ko nagawa report ko...shet ang gaga ko" sabi ni Annika at lalo pa siyang humagulgol habang pinapanood niya si Pipoy na pinupunasan nina Anne at Ella.
"I didn't know...dapat nakinig ako sa kanya pero pinilit ko siya...para gawin ito...di ko talaga alam na may game sorry talaga sa inyo" sabi ni Annika at lumapit na si Vashty sa kanya at hinaplos ang likod.
"Annika, game or no game gagawin lahat ni Pipoy para sa iyo. Tignan mo ang patago niyang tiniis last year, ayaw niya ipagsabi ang pinagdaanan namin. Yung pagtanggap niya ng pag gawa ng report mo he knew the consequence kung matalo man kami. Pero he still did it, di na niya inisip yung mangyayari sa kanya basta importante yang hawak mong report diba?" sabi ni Vashty at napatingin si Annika sa report na gawa ni Pipoy.
Doon sa report may nakasingint na maliit na note na nalaglag sa lupa kaya pinulot ni Vem at inabot kay Annika.
"Whatever happens today always remember its not your fault. Lagi kita uunahin"












Chapter 8: Your Turn to Give Way



Sabado, second game at doon naman sa school nina Bobby magaganap ang laro. Nakapwesto na sa bleachers ang grupo at halos di pa nakarecover si Annika sa kanyang nagawa. Nagstart ang game at napansin niya wala sa court si Pipoy, napatingin sya kay Robert agad. "Ah ganyan talaga pag basketball may tinatawag din na pagdisiplina. Siguro mamaya paglalaruin din siya" paliwanag ni Robert at lalo pang sumama ang loob ni Annika.
Close ang laban at nanalo ang school team nila, tabla na sa isang panalo ang bawat koponan pero hindi nila nakitang naglaro si Pipoy. Tumayo si Annika at nakita niya si Pipoy na nakatingin din sa kanya, kinawayan nito ito at kumaway din siya pero bigla siya tumigil at nang sundin niya ang tingin ni Pipoy nakita ni Annika si Bobby. Naipit tuloy si Annika at di niya alam ang gagawin niya pero nakita niya tumalikod si Pipoy at naglakad nalang palayo kasama ang team mates nya.
Alas sais na nakauwi si Annika at nahapan niya si Pipoy sa likod ng bahay nila naglalaro ng bola. "O kumusta ang date niyo?" tanong agad ni Pipoy at inagaw ni Annika ang bola at ginuwardyahan naman siya ni Pipoy. "Di ka nakapaglaro kanina" sabi ni Annika. "Wala yon, ang importante nanalo, sabi ko naman sa iyo team game yan" sagot ni Pipoy. "Pero kahit na, you wanted to play diba?" hirit ni Annika at napaisip si Pipoy.
"I am playing now, with you...mas masaya pa ako pag ganito. Sige tulad ng dati first to ten" sabi ni Pipoy at napangiti si Annika. "One hand ka tapos kahit di ako magdribble?" pacute na sabi ni Annika. "Oo sige, game na" sabi ni Pipoy at naglaro ang magkaibigan, tulad noong bata sila.
The following Saturday sa isang coliseum naganap ang last game ng championship. Punong puno ng tao ang lugar at ang ingay ingay sa loob. Hati ang crowd at sobrang excited ang lahat pagkat malapit na magsimula ang laban. Katabi ni Annika ang parents ni Pipoy at ang mga barkada niya, nalilito siya kung sino ang papanoorin niya sa warm up pagkat nasa isang team ang boyfriend niya at nasa kabila naman ang matalik niyang kaibigan.
Game time na at napansin nila wala ulit si Pipoy sa starting line up at nalungkot si Annika at nagsimula nanaman siyang maging guilty. Kitang kita ang dismaya sa mukha ni Pipoy pero pumapalakpak siya para sa team mates niya. Nagkamayan na ang mga manlalaro at naghanda sa pwesto, "Paglaruin si Pipoy!!!" biglang sigaw ng isang babae at pagtingin nila si Anne yon. "Pipoy! Pipoy! Pipoy!" sigaw nya at tumayo narin ang tatay ni Pipoy at nakisabay kay Anne. Parang kalahati na ng coliseum sinisigaw ang pangalan ni Pipoy, nakayuko lang si Pipoy at tinitignan siya ng coach niya.
Nagulat ang lahat nang pati si Bobby nakisama at inengganyo niya ang mga school mates nya din kaya buong coliseum na ang nagtatawag kay Pipoy para maglaro. Natuliro ang mga refree at biglang tinuro ni Bobby si Pipoy. Lumapit ang dalawang coach sa mga refree at pumayag ang kalaban na paglaruin na siya kahit wala siya sa starting line up. Tumayo na si Pipoy at nagtungo sa gitna at nagkatitigan sila ni Bobby.
"Wala naman kasing kwenta pag tinalo namin kayo at di naglaro ang star player" banat ni Bobby at ngumisi lang si Pipoy. "You know...you will regret saying that" banat ni Pipoy at nagsimula na ang laban.
First possession kina Bobby, nagkaharap sila ni Pipoy at mahigpit ang depensa. Mintis ang tira ni Bobby kaya sa kabila bumaba ang bola at naipasa kay Pipoy sa three point area pero madikit si Bobby. "Alam namin ang laro mo, di ka namin patitirahin sa labas" sabi ni Bobby kaya napilitan si Pipoy na ipasa ang bola. Wala parin nakakashoot pero muling nahawakan ni Pipoy ang bola at nagkatitigan sila ni Bobby. Pumeke na titira si Pipoy at napatalon si Bobby, dribble si Pipoy at lumusot dumiretso ito palapit sa ring at bigla nalang tumalon ng mataas...sumabay ang sentro ng kalaban...pero naunahan na siya ni Pipoy, slam dunk!
Lahat nagsitalunan sa tuwa nang nakapuntos si Pipoy, pati si Annika di niya mapigilan ang pagsisigaw niya pero tulad ng bawat shoot hindi siya ang tinuro ni Pipoy. Sinundan niya ang kamay ni Pipoy at kay Anne sya nakaturo kaya napaupo siya agad at sumama ang loob.
Natapos ang first half at ang laki ng lamang nina Pipoy, lalo pang nalungkot si Annika at napansin ni Beverly ito. "Don't be selfish Annika" sabi niya sa kaibigan nya. "Masama ang loob ko friend...sakit e" bulong ni Annika at naluluha na siya. "Now you know ano din naramdaman niya nung nakikita niya kayo ni Bobby. Ewan ko ba sa inyong dalawa lalo na ikaw. Obvious naman you like each other di niyo pa maamin sa isat isa" sabi ni Ella.
"Umamin siya" bulong ni Annika at kunwari nalang nagulat ang girls pagkat nakwento na ni Pipoy sa kanila. "He said he likes me pero tinawanan ko lang siya" sabi ni Annika. "Gaga ka pala e bakit mo kasi tinawanan e gusto mo din naman siya diba?" sabi ni Vem. "Nabigla ako e...di ko alam pano magreact...I was so happy hearing it at kinilig ako sobra pero nahihiya ako ipakita sa kanya. Ewan ko basta nalang ako tumawa pero I was really happy...pero when I asked him later kung totoo he said joke lang" kwento ni Annika.
"Syempre tinawanan mo napahiya na siya. Sasabihin nalang niya na joke lang para di mo na ulit tawanan...o ayan. Kung ikaw sana yung sumigaw kanina ng pangalan niya e di ikaw parin sana ang tinuturo niya. Sa tingin ko he was holding on still pero, nakikita ko sila ni Anne they are sweet...pero he was still looking for something...something to let go of you ng tuluyan ang Anne just gave it to him" sermon ni Beverly. "Its your turn to give way, wag kang selfish" hirit ni Vem at tuluyan nang naluha si Annika.
Bago nagsimula ang second half nagkatabi sina Bobby at Pipoy, "Panalo na siguro kayo, pero I know you like Annika and I have her" bulong ni Bobby at ngumiti si Pipoy. "I just realized that I too have a life...oo tapos na itong laro pero I am going to destroy your name" banta ni Pipoy at nangilabot si Bobby pagkat nanlilisik ang mga mata ni Pipoy.
Nagpakitang gilas si Pipoy at talagang pinahiya niya si Bobby pagkat sya ang bantay niya. Ang tinuturing na star player ng kalaban nagmistulang walang alam tuloy sa laro dahil kay Pipoy. Pinaupo si Bobby ng coach niya kaya nagpasub din si Pipoy. Nang ibalik si Bobby pati si Pipoy bumalik para maglaro.
Last two minutes na nagdiriwang na ang kampo nina Pipoy pero hindi pa siya tapos. Binababa niya ang bola at bigla nalang siya tumigil at inabot niya ang bola kay Bobby. "Show me what you got" sabi nya at mabiils naman kinuha ni Bobby ang bola ang nagdribble papunta sa court nila. Hinabol ito ni Pipoy, tumalon si Bobby at akala niya nakalusot na siya ng isang lay up pero ang taas ng talon ni Pipoy at tinapalan siya ng solid. Ang tindi ng kantyawan at sigawan pero ang kampo ni Bobby tahimik. "My turn" sabi ni Pipoy at mabilis niyang binaba ang bola at galit na galit si Bobby at hinabol siya.
Wala magawa si Bobby at nagpakawala agad si Pipoy ng three pointer na di pa niya tinitignan ang ring, nakatingin lang sya kay Bobby...pasok ang bola at tuluyan nang nanghina si Bobby at tuloy ang pagtitig ni Pipoy sa kanya. Hanggang sa tumunog ang last buzzer di umalis sa tabi ni Bobby si Pipoy at nang abutin ni Bobby ang kamay niya tumalikod lang si Pipoy at tinitigan si Annika saglit sabay tinungo ang ulo niya.
"Bakit ganon si Pipoy? Parang ang bastos niya masyado ngayon?" tanong ni Annika. Tumayo si Robert at Sarry upang pumalakpak, "Ganyan ang lalake kasi, at di naman yan namemersonal e, he was trying to send you a message" sabi ni Robert. "Anong message? E bakit di pa niya sabihin ng diretso sa akin?" tanong ni Annika. "Hay Annika, parang di mo kilala si Pipoy. What he did to shame Bobby, ikaw ang kausap niya, isipin mo nalang ano yon pero di pa ba obvious?" banat ni Sarry. Napatingin si Annika kay Bobby at halos di maipinta ang mukha niya, paglipat niya kay Pipoy ay isang napakasayang tao na pinagkakaguluhan ng marami.
Pinuntahan nila si Pipoy at nagulat si Annika pagkat agad siya niyakap ni Pipoy at binuhat. Di alam ni Annika ang gagawin niya, nagustuhan niya ang pagyakap ni Pipoy sa kanya pero deep inside di niya maintindihan ang nararamdaman niya. Yumapak nalang siya kay Pipoy at hinigpitan niya ito, lalo pa siya nagulat nang halikan siya bigla ni Pipoy sa pisngi. Sobrang saya ni Annika at pulang pula ang face nya pero bigla siya binitawan ni Pipoy pagkat lumapit si Bobby.
Ngumiti lang kay Annika si Pipoy at tumalikod na, hati ang puso ni Annika sa sandaling yon pero pinadali nalang ni Pipoy ang lahat at siya ang lumayo. Ngayon naiintindihan ni Annika ang gustong iparating ni Pipoy, na pinili niya ang maling lalake.
Lunes ng hapon, program para sa anniversary ng school. Nakapwesto na ang girls at boys at inaantay nila ang number ni Pipoy. Naiinip na sila pero dumating narin ang oras at pinakilala si Pipoy pero nagtataka sila hindi binanggit ang panglan ni Anne. "Hi, may I request the help of my friend Robert" sabi ni Pipoy at nagulat si Robert at nagkatitigan sila at tinawag sya sa harapan. Tinukso nila si Robert at game na game naman siyang pumunta sa stage. May inabot sa kanya si Pipoy at nagkabulungan sila. May naglabas ng gitara at isang upuan at binasa ni Robert yung papel.
Nagpapatugtog si Robert pero nagsalita si Pipoy, "Ah impromptu po na kanta, I just want to share this...nung first time ko narinig itong kantang ito noon pa ewan ko bakit parang kinakausap ako ng kanta. Inintindi ko ang lyrics at sapol na sapol ako. Bespren para sa iyo to at alam ko hindi ka music lover pero alam ko masasabayan mo tong kanta...trust me...ilang beses mo na ito narinig...ilang beses ko na kinanta ito..." sabi ni Pipoy
"Title ng kanta Ang Aking Awitin" sabi ni Pipoy at nagsimula nang mag gitara si Pipoy.
"Bakit di ko maamin sa iyo..ang tunay na awitin ng loob ko, Di ko nais mabuhay pa kung wala sa piling mo. Ngungit di ko parin maamin sa iyo...." Kumanta si Pipoy at mga girls napatingin kay Annika pagkat naluluha siya pero nasasabayan niya ang kanta. Tulala lang si Annika at parang possessed, nakatingin sa kanya si Pipoy at siya din nakatingin sa kanya.
Parang sabay sila kumakanta sa sandaling yon at tumulo na ang luha ni Annika pagkat ito ang tinig na naririnig niya tuwing natutulog siya noon at kamakailan lang di na niya narinig pa, ngayon nalang ulit.
"At kung ako'y lumipas at limot na, ang awitin kong itoy alaala ka. Awitin ng damdamin ko sa iyo maiiwan. Sa pagbulong ng hangin ng nakaraan. O sa pagbulong ng hangin ng nakaraan...la la la la la" kanta pa ni Pipoy at talagang luhaan na si Annika pagkat tila nagpapaalam na sa kanya si Pipoy. Tumigil sa pagkanta si Annika at napahagulgol nalang habang inaalalayan siya ng mga kaibigan niya.
Napatapos ang kanta at ang daming luhaan pagkat maganda ang pagkanta ni Pipoy at nadama nila ang mensahe ng kanta niya. Tumayo na si Robert at bumalik sa crowd pero di pa umaalis si Pipoy sa stage. Tinawag ang pangalan ni Anne at lalo pang naiyak si Annika nang sabay nila kantahin ang "Ikaw"
Di makayanan ni Annika panoorin ang pagkatitigan ng dalawa stage habang kumakanta sila. Sa isipan niya nagpapatuloy ang unang kanta ni Pipoy, kung sana lang naalala niya yung kanta ng mas maaga...o kaya nahuli niya si Pipoy na kinakantahan siya habang natutulog siya...siguro iba ang mga pangyayari. Siguro kung hindi niya tinawanan si Pipoy noon at umamin narin baka hindi siya lumuluhang ganito.
Di nakayanan ni Annika manood pa kaya umalis na sya at umuwi. Nagkulong siya sa kwarto niya at doon nagsiiyak.
Kinabukasan okay na siya at sabay sila ni Pipoy pumasok, napansin ni Pipoy ang namamagang mata ni Annika pero nagpalusot lang siya na nakagat ito ng lamok. "Annika...may gusto sana ako ipaalam sa iyo e" sabi bigla ni Pipoy. "Ano yon?" tanong ni Annika. "Ah si Anne...balak ko ligawan sana...diba sabi mo noon you like her for me. Well lately I just realized that she isn't you pero medyo close na...and ewan ko I think I like her" sabi ni Pipoy at muling namuo ang mga luha sa mata ni Annika kaya iniiwasan niya tignan si Pipoy.
"Kaya kung okay lang sana sa iyo...e natotorpe ako e at di ko alam manligaw...ahahah...butterflies sa tyan" hirit ni Pipoy at di parin niya napapansin ang kaibigan niyang umiiyak na. "Sige, tulungan kita" sagot ni Annika at sumaya si Pipoy at naging excited, di tuloy siya mapakali at binabangga niya si Annika na pasimpleng nagpupunas ng mga luha niya.
Pagdating ng school dumiretso si Pipoy kina Vashty habang si Annika dinamayan ng mga girls pagkat napansin nila umiiyak siya. "Sis anong nangyari nag away ba kayo?" tanong ni Vem. "Sis...wala na siya...he is moving on already...di ko matanggap" sabi ni Annika at pinunasan ang mga mata niya. "Gaga ka kasi e kasalanan mo yan. Bakit akala mo ba hindi rin siya umiyak nung tinawanan mo siya?" sermon ni Beverly.
"Oo nga at nung naging kayo ni Bobby...alam mo feeling ko lang he waited for you pero siguro di na niya kaya mag antay pa. Pinakawalan ka niya before willingly so this time its your turn to let him go" sabi ni Ella at humagulgol bigla si Annika.
Napatingin si Pipoy sa kanila pero mabilis nila naitago si Annika at pasimpleng kumaway sa kanya. Kumaway din si Pipoy at hinarap ang mga barkada niya.
"Pare bakit umiiyak si Annika?" tanong ni Robert. Nag iba ang itsura ni Pipoy at naging seryos, "I told her liligawan ko si Anne" sagot ni Pipoy at nagulat sila. "Ano? Seryoso ka ba?" tanong ni Vashty. "Oo pare, she may not make my heart beat like the way Annika makes it beat...pero it beats fast din pare e. At pagod na ako sa kahihintay...ilang beses ko narin napatuyo yung unan ko...mahirap din mag antay ng wala kasi...parang meron pero wala naman...siguro kung mag antay pa ako baka meron...pero pano kung wala?"
"Ayaw ko mag compare sa totoo...I tried my best...pero siguro hanggang best friend nalang ako sa puso ni Annika. Something inside me wants more than that...and maybe si Anne makakagbigay non sa puso ko"
"I still love Annika and forever will...pero ayaw ko na maging martyr...I also have to move on. I told her my plan and she could have stopped me...pare pag sinabi niya lang na wag...di ko itutuloy...siya parin ang Kryptonite ko pare...I don't know how I am going to keep on loving her ngayon meron nang tinitibok na iba tong puso ko...pero pare
...she will always be my Kryptonite...kahit di na ako ang Superman niya"












Chapter 9: Crooked Smile



Malapit na ang second grading nila at nagsimula nang manligaw si Pipoy, dismissal noon at inantay niya lumabas si Anne. Sa malayo nagmamasid si Annika kasama ang ibang girls at boys, "Annika bakit ka nakangiti?" tanong ni Vem. "Shhhh...tignan ko lang kung makornihan si Anne sa kanya ahahahah" sabi ni Annika sabay tawa. "Bakit kasi ano ang tinuro mo sa kanya?" tanong ni Robert. "Invisible flowers" sabi ni Annika at bigla sila nagtawanan. "Sabi ko sa kanya bigyan niya ng invisible flowers, ang kory sigurado basted siya" sabi ni Annika at lahat napatingin sa kanya.
"Grabe ka naman Annika, do you still feel bitter na naka move on na sya?" tanong ni Beverly. "Ah basta wag kayo makialam" sabi ni Annika. "Napaka selfish mo naman, sabi mo nga he gave Bobby a list of likes ang dislikes mo, tapos ikaw ganyan ka" sermon ni Ella. "E so bakit niya kasi binigyan, basta manood nalang tayo" sagot ni Annika at eksaktong lumabas na si Anne.
Magkasingtangkad si Anne at Annika, maiksi ang buhok niya at may matamis na ngiti. Hinarang siya ni Pipoy at kunwari napatingin siya sa langit at natawa tuloy si Anne. "Oy, ano ginagawa mo" tanong ni Anne. "I came to give you flowers" sabi ni Pipoy at parang may hinahawakan siya sa kamay niya at inabot niya ito kay Anne. Tinignan ni Anne ang kamay niya at wala naman bulaklak don kaya natawa ulit ito at napatingin sa kanya.
"Ah...to be honest...ah...natotorpe ako at this moment at nangangatog tuhod ko" sabi ni Pipoy at lalo natawa si Anne. Huminga si Pipoy ng malalim at di niya kaya tignan si Anne sa mata. "Ang hirap naman nito pala" bulong ni Pipoy at lalo pang tumawa si Anne. "Bakit ano ba talaga gusto mo sabihin?" tanong ni Anne at napangiti si Pipoy pero parang namilipit ang katawan niya. Nag deep breathing si Pipoy at tinignan niya si Anne sa mata pero mabilis lang nilayo tingin niya. "This was much easier when we were just singing" banat ni Pipoy at napangiti si Anne.
"E di imagine mo kumakanta tayo ulit...and instead of singing tell me yung gusto mong sabihin" sabi ni Anne at kahit obvious na nag antay parin siya. Naghum si Pipoy at bigla nalang niya tinignan sa mata si Anne, pareho sila napangiti, "Tama ka nga...I like you" sabi ni Pipoy at napasimangot si Anne at nagulat siya.
"Dapat naman banggitin mo muna name ko" sabi ni Anne at napanganga si Pipoy pero biglang tumawa si Anne at napangiti, tumayo sila nagngingitian saglit pero biglang ginawa ni Anne ang kamay ni Pipoy. "I like you too" sagot niya at lalo pang tumamis ang mga ngiti nila. Napatingin si Anne sa kamay ni Pipoy, "So ano dapat yan?" tanong niya.
"Ah..alam ko korny siguro ito..invisible flowers for you...kasi we don't know each other that much yet but I am willing to get to know you better. I like you and I wanted to give you a flower to signify my true feelings but I didn't know what kind of flowers you like. So instead of failing sa first try ko...I will give you this imaginary flower...and as the days go by and I will learn more about you...unti unti narin magkakakulay yan sa tamang bulaklak na hilig mo...sana mabigyan mo ako tsansa para magawa ko yon" sabi ni Pipoy at natulala si Anne at halos napaluha sinabi niya.
Napakamot si Pipoy at natawa, "Ay nasobrahan bas a pagkakorny?" tanong niya pero ngumiti si Anne at kinuha mula sa kamay niya ang invisible flower. Sa malayo natulala ang mga barkada ni Pipoy lalo na si Annika na hindi makapaniwala sa mga pangyayari.
Tumulo talaga ang isang luha sa mata ni Anne kaya pinunasan ito ni Pipoy at halos magwala na si Annika sa kanyang nakikita. "Ikaw talaga pinaiyak mo ako agad" sabi ni Anne. "Sinasabi ko lang naman yung totoo e...pero ano naman yang hawak mo?" tanong ni Pipoy. "Balloon" sagot ni Anne at bigla nalang sila nagtinginan at nagtawanan. "Ano magkakakulay din at hugis ito?" biro ni Pipoy at kinurot siya ni Anne at bigla niya naalala ang pagkurot ni Annika sa kanya kaya napalingon siya pero wala na yung mga barkada niya dooon.
"Bakit?" tanong ni Anne. "Ah wala naman akala ko nabitawan ko yung balloon" palusot ni Pipoy at muling tumawa si Anne. Nilayo ng iba si Annika pagkat nagwawala na siya, pagsilip nila ulit palayo nang naglalakad sina Pipoy at Anne. Gustong sumunod ni Annika pero pinigilan siya ng iba, "Annika wag kang childish, you had your chances already so let him go" banat ni Beverly at super simangot si Annika at naupo sa lupa na parang bata.
"Oo korny si Anne kasi korny yung invisible flower ahahaha...I cant believe na gumana yung korny teknik na yon" sabi ni Annika at tumawa siya. "Di mo kilala si Pipoy, mabilis mag isip yan at may pagka hidden romatiko" sabi ni Sarry at nagtawanan ang boys. "Hay naku Annika, he is still by your side kahit nagka boyfriend ka, so you should do the same. You have Bobby and he has Anne, pero bestfriends parin naman kayo diba?" sabi ni Ella. "Unless...ayaw niya lang ng bestfriends" banat ni Vashty at tinukso nila ni Annika na nag walkout at umuwi na.
Kinabukasan nag antay si Annika sa labas ng school habang hinatid ulit ni Pipoy si Anne sa paradahan nila. Nagulat si Pipoy na makita ang kaibigan niya mag isa, "Ano ginagawa mo dito akala ko nakauwi ka na?" tanong ni Pipoy. "Inindian ako ni Bobby" sinungaling ni Annika at nakita niya nainis si Pipoy. "Tado talaga yon, pag nakita ko pagsasabihan ko yon" sabi nya.
Nagsabay na sila naglakad pauwi at napansin ni Annika at ngiti sa mukha ni Pipoy. "Annika, I told her yesterday I liked her tapos she said she liked me too...ano na ibig sabihin non?" tanong ni Pipoy at parang dagok sa puso ni Annika pero ngumiti lang siya. "Ah you two like each other" sabi nya at tumawa si Pipoy. "So hindi pa kami ganon?" tanong ni Pipoy. "Of course not" sumbat ni Annika at napangiti nalang si Pipoy. "Okay lang I can wait, no rush naman, at least she likes me too" sabi ni Pipoy at di na kaya ni Annika ngumiti kaya tumingin nalang siya sa malayo.
"Shet, di ko pa mahahawakan kamay niya...pero gusto ko sana kargahin bag niya pero nahiya ako...ah oo nga akin na bag mo" sabi ni Pipoy at ayaw ibigay ni Annika. "Wag na ako na, at baka makita bigla ni Anne o kaibigan niya ano pa masabi" sagot ni Annika. Inagaw ni Pipoy ang bag niya at nilagay sa shoulder niya, "Ah shadap, tagal ko na ginagawa ito if she cant accept my bestfriend then I don't like her anymore" sabi ni Pipoy at biglang napangiti ng tunay si Annika at binangga ang katawan ni Pipoy.
"At hellow bagay ko kaya ang naka shoulder bag noh" pabaklang sinabi ni Pipoy at tumawa si Annika. "Di ko na maantay na maging kami...holding hands parang korny ata" sabi ni Pipoy at biglang hinawakan ni Annika ang kamay niya pero di niya tinignan si Pipoy. "Sabi ko siya hindi ikaw" banat ni Pipoy. "consider this practice para pag kayo na di ka na maiilang" sagot ni Annika. "Good good...pero alam mo somehow this feels really good" sabi ni Pipoy at wala nagawa si Annika kundi napangiti nalang pagkat pati siya masaya na hawak niya kamay ni Pipoy.
Biyernes ng dismissal sinundo ni Bobby si Annika, niyaya niya ang girlfriend inya kumain sa labas pero ayaw pa umalis ni Annika. Ilang minuto lumabas si Pipoy kasama si Anne, halos magunaw ang mundo ni Annika nang makita niya ang mga kamay nilang magkahawak. "Sis sila na" bulong ni Ella at napasimangot si Annika at dumikit kay Bobby.
Lumapit sina Pipoy at nagkatitigan sila ni Bobby, "Pare no hard feelings" sabi ni Pipoy at inabot niya kamay niya at nakipagkamay naman si Bobby. "Sige may lakad pa kami" paalam ni Pipoy at umalis na sila ni Anne. Nakita ni Annika si Beverly at Sarry na magkahawak kamay din habang si Robert at Ella nagiging sweet sa isat isa. "Nasan si Vem at Vashty?" tanong ni Annika. "Ah mukhang nahawa si Vashty kay Pipoy at ewan...nagdate ata sila" sabi ni Sarry. Inis na inis si Annika, dinikit ni Bobby ang kamay niya sa kamay ng girlfriend niya pero tumalikod si Annika at nainis.
"Bakit?" tanong ni Bobby. "Tara na nga" sabi ni Annika at mukhang kawawa si Bobby na tinatawanan ni Benjie at Ryan. Habang kasama ni Annika si Bobby lalo niya namimiss si Pipoy pagkat ibang iba nga talaga ang boyfriend niya sa best friend niya. Parang di makagalaw ng maayos si Annika kaya lalo siya nagdaramdam. Sinubukan niya banggain si Bobby, tulad ng ginagawa niya kay Pipoy pero tinanong lang siya ng boyfriend niya kung nanghihina siya. Ngayon din lang niya napansin na mabigat din pala ang bag niya habang naglalakad sila ng malayo.
Sabado ng umaga lalabas na sana si Annika ng bahay para makipagkita kay Bobby pero napalingon siya sa bintana ni Pipoy at nakita niya ang kaibigan niya na nakadungaw sa bintana. "Wala ba kayo date ni Anne?" tanong ni Annika. "Wala, may pupuntahan sila ng parents niya. Ikaw san ka punta?" tanong ni Pipoy. "Ah wala naman, punta ako diyan" sabi ni Annika. "Sige dali na" sagot ni Pipoy kaya mabilis na nagpunta si Annika sa bahay nila.
Just like the old days nahiga sila sa kama ang nagkwentuhan, tunog ng tunog ang phone ni Annika kaya nilagay niya ito sa silent. "Baka si Bobby yan, sige lang sagutin mo o replayan mo" sabi in Pipoy. "Ah manigas siya, bonding moment natin ito at kasama ko naman na siya kahapon e" sabi ni Annika at natawa si Pipoy. "Baka pag nalaman niya ito sabihin niya inaagaw ko atensyon mo sa kanya" hirit ni Pipoy.
"Ah like you said, kung di niya matanggap bestfriend ko e di manigas nalang siya" sumbat ni Annika at nagtawanan sila. "O nakita ko nagholding hands kayo kahapon, so kayo na pala" sabi ni Annika. "Ah ewan ko nga e. Nung lumabas kami ng klasrum e...nagdikit kamay namin at parang nakuryente ako tapos next thing I know kinakawit ng pinky ko yung fingers niya. Ahahahha tapos ayon na, di na nagbitaw mga kamay namin. Sa totoo nga di namin pinag usapan yon basta nalang ganon" sabi in Pipoy na tuwang tuwa.
"Girlfriend mo na sya" sabi ni Annika at nagulat si Pipoy. "Ows? Hahaha...shet pagdating dito wala talaga ako alam...may girlfriend na ako" sabi ni Pipoy at kitang kita ni Annika ang tuwa sa mukha niya at nakingiti nalang siya kahit na masakit sa damdamin niya. "E kumusta naman kayo ni Bobby?" tanong ni Pipoy at napasimangot si Annika. "Hay ewan ko boring siya. Wala na sila pinagusapan kundi basketball at Dota" sagot ni Annika.
"E how about yung friends niya okay lang ba sila?" tanong ni Pipoy. "Okay lang, si Benjie tahimik lang tapos si Ryan kalog, pag kasama ko sila parang out of place ako. Lalo kita namimiss...I mean namimiss ko yung barkada natin" sabi ni Annika. "E di isama mo yung ibang girls kasi para may kasama ka" sabi ni Pipoy. "Ayaw nila e, loyal sila sa iyo" sabi ni Annika at natawa si Pipoy. "Di naman siguro, baka di lang nila type ang crowd nina Bobby, well ganyan naman ata ang relationships, pakikibagay narin, di bale one time mag hangout tayong apat nina Anne. O diba at least nandon ako" suggest ni Pipoy.
"Hay change topic nalang nga pwede?" sabi ni Annika at napatingin sa kanya si Pipoy. "Annika...bakit parang ayaw mo si Anne para sa akin bigla?" tanong ni Pipoy at napalingon din si Annika sa kanya. "Ha? Anong pinagsasabi mo?" sumbat ni Annika.
Hinawakan ni Pipoy ang pisngi ni Annika at kinukurot ito, "Napansin ko ang ngiti mo lately...tabingi siya. Tagal na natin magkasama at alam ko ano itsura ng tunay na ngiti mo at alam ko din pag peke" paliwanag ni Pipoy. "Uy hindi naman ha, I am happy for you" palusot ni Annika. "Really? Parang kasi hindi e...di ko naman sinunod yung sinabi mo e. Sabi mo noon si Anne bagay sa akin. Di ko naman dinibdib yon, nagkataon lang na lagi kami magkasama noong practices at nakakatawa nga kaklase ko pa pala. Pero be honest, nagkakaganyan ka ba bilang bawi sa nagawa ko kay Bobby nung game?" sabi ni Pipoy.
Humawak din si Annika sa pisngi ni Pipoy at kinurot niya ito, di nakuntento dalawang kamay na ang humawak sa pisngi ni Pipoy. "Hindi ako galit" sabi ni Annika at nanggigil kay Pipoy. "Aray...e parang galit ka e...o baka naman nagseselos ka" banat ni Pipoy at biglang nanigas si Annika.
Kinurot ng madiin ni Annika ang mga pisngi ni Pipoy, "Oo nagseselos ako!" sabi ni Annika pero nalito si Pipoy pagkat tumawa siya. Humawak din sa dalawang pisngi si Pipoy at kinurot ang kaibigan niya. "Bakit ka nagseselos?" tanong ni Pipoy at tawa sila ng tawa. "Aray..Pipoy!!!" sigaw ni Annika. "Sabihin mo muna bakit ka nagseselos" banat ni Pipoy. "Kasi inaagaw ka nya sa akin!" sigaw ni Annika at napatigil si Pipoy. Totoo ang sinabi ni Annika, galing yon sa puso niya pero dinadaan niya lang ito sa biro, di rin maintindihan ni Pipoy pero gumanti siya.
"Inagaw ka din ni Bobby sa akin ha" sabi nya saby pisil pa sa pisngi ni Annika. Tawa sila ng tawa at sinisipa na ni Annika ang mga paa ni Pipoy. "Pipoy my face!" sigaw ni Annika at bumitaw si Pipoy pero lalo pang nanggigil si Annika sa pagpisil sa mga pisngi niya. Kiniliti ni Pipoy si Annika at napabitaw ito, napatalikod si Annika pero niyakap siya ni Pipoy.
Super ngiti si Annika at sumandal siya sa katawan ng kaibigan niya, "Annika, wag kang magselos, kahit na may boyfriend ka at girlfriend ako, bestfriends parin tayo. Nothing will change remember that" sabi ni Pipoy at tahimik lang si Annika at inenjoy ang sarili.
"So sana matanggap mo din si Anne tulad ng pagtanggap ko kay Bobby" bulong ni Pipoy. "Okay" sagot ni Annika at lalo pang niyakap ni Pipoy ng mahigpit ang kaibigan niya.
"Annika, may gusto ako itanong" sabi ni Pipoy. "E di itanong mo lang" sagot ni Annika. "Ah...nagkiss na ba kayo ni Bobby?" tanong ni Pipoy at biglang tumawa si Annika. "Hala you should not ask things like that" sabi ni Annika. "Ay sorry, sorry hayaan mo na" sabi ni Pipoy.
"Bakit ba kasi?" tanong ni Annika. "Wala, kasi eventually magkikiss kami ni Anne diba...hahaha...shet di ako marunong...o baka magmukha akong engot" sabi ni Pipoy at nagtawanan sila. "Sira wag mo planuhin kasi para mas maganda, tulad nung holding hands niyo diba?" sabi ni Annika.
"Ganon din ba kayo ni Bobby nagkiss na wala sa plano?" tanong ni Pipoy. "Kasasabi ko lang" sumbat ni Annika at biglang kinilig si Pipoy. "Ay oo nga sorry, wala lang kasi iniimagine ko lang ano yung feeling o pano yung pangyayari pero di naman ako nag eexpect pero diba mangyayari at mangyayari naman yon?" hirit ni Pipoy. "Oo basta don't expect" sabi ni Annika.
"Ahahahha..kahit sabihin mo don't exepct e parang excited ako...ano kaya feeling ano? Ganito din ba kalambot lips niya like mine? Pero di ko maisip talaga...shet baka naman magkamali ako or baka ayaw niya...or baka gusto niya tapos inaantay lang pala ako. Pero gusto ko lang sana malaman yung feeling...hahaha para akong engot na nito" sabi ni Pipoy.
Biglang humarap sa kanya si Annika at hinalikan siya sa labi. Nagulat si Pipoy pero biglang pinikit niya ang kanyang mga mata. Limang segundo nagtagal ang halik nila nang bumitaw si Annika at muling tumalikod. Tahimik lang silang dalawa pero yumakap si Pipoy kay Annika. "Annika bakit mo ako hinalikan?" tanong ni Pipoy.
"Wala. Para tumigil ka na, o now you know what it feels like" sabi ni Annika at napangiti siya ng malaki. Natawa si Pipoy at pati siya nakangiti, "First kiss ko yon Annika" sabi ni Pipoy at tumawa sila pareho, "Sorry wala na nakuha ko na" biro ni Annika at napayakap nalang sa kanya si Pipoy ng mahigpit. Pareho sila nakangiti pero di nila nakikita. Wala sila masabi sa isat isa kaya nanahimik nalang sila.
Masaya si Pipoy sa first kiss niya pero di niya alam masaya din si Annika pagkat unang halik din niya yon.












Chapter 10: Thinking About You



Sembreak na at nagkita kita ang magbabarkada sa school, magkasama si Pipoy at Anne samantala kasama ni Annika ang girls habang inaantay nila ang grupo nina Bobby na magtreat daw sa kanila. Napansin ng mga girls ang kakaibang ngiti sa mukha ni Annika habang pinapanood niya sina Pipoy.
"Sis parang naka move on ka na ata" sabi ni Elle at tumawa lang si Annika. "Of course, I am happy for my bestfriend. Happy din naman siya for me so lahat dapat happy" sagot ni Annika at nagulat ang lahat pati ang mga boys na kadadating lang galing sa computer shop. "E bakit dati parang ewan ko ba, may nangyari ba sa inyo? O nag usap ba kayo ng masinsinan?" tanong ni Vem at natawa ulit si Annika at namula ang mukha niya.
"Ah basta okay na ang lahat nothing to worry about" sabi ni Annika. Nakisama na sa grupo sina Pipoy at Anne, dumating na din ang grupo nina Bobby na may dalang van, nagsiksikan sila lahat sa loob, mga boys sa likuran hang ang mga girls sa middle seat. Naupo si Annika sa gitna, sa kaliwa niya nakaupo si Anne at sa kanan niya sina Beverly at Ella. Naiitriga parin ang mga girls sa kakaibang kilos ni Annika kaya lahat nakatingin lang sa kanya.
"We kissed" sabi ni Annika at lahat ng girls nagulat pati si Anne napatingin sa kanya. Tinuro ni Anne si Bobby na nagmamaneho sabay turo kay Annika, napanganga si Annika saglit at ngumiti nalang. Akala ni Anne si Bobby ang tinutukoy ni Annika kaya kinurot niya tagiliran ni Annika at natawa nalang si Annika pero ang barkada niya alam na si Pipoy ang nahalikan niya.
Biglang tining si Annika kay Anne sabay bulong, "E kayo ni Pipoy?" tanong ni Annika at natawa si Anne at namula ang mga pisngi niya. "Hindi pa" sagot nya. "Bakit naman?" hirit ni Annika. Parang nahiya si Anne at napalingon saglit kay Pipoy, "Basta, saka na yan" bulong ni Anne at nagtawanan yung dalawa. "Uy pag nagkiss kayo kwentuhan mo ako ha" bulong ni Annika at bungisngis si Anne at nagholding hands pa sila. "Oo promise" sagot ni Anne at napangisi si Annika.
Sa likod ng van malakas ang music kaya di narinig ng boys ang pinag uusapan ng girls pero napansin din nilang parang masaya si Pipoy. "Pare share naman, ano ba meron?" tanong ni Sarry. "Pare nakiss mo na ba si Beverly?" tanong ni Pipoy at lumapit pa yung dalawa at lahat napatingin sa kanya. "Hindi pa..whoah don't tell me pare kayo ni Anne..." sabi ni Sarry at ngumiti si Pipoy.
"Nope not her" sabi ni Pipoy sabay pasimpleng turo kay Annika at nanlaki ang mga mata ng boys. "Oh shet, di nga pare?" banat ni Vashty at tumawa si Pipoy. "Oo pare, basta it happened, five seconds ata...shet di ko maexplain e" sabi ni Pipoy at parang baklang nakilig ang mga boys. "Pano nangyari yon pare?" tanong ni Robert at nakwento na ni Pipoy sa kanila ang nangyari.
Sa harapan ng van nagsisiksikan ang mga dayo pero masaya si Bobby. "Pare buti naman naisipan mo ang ganito" sabi ni Benjie. "Tol di ako may pakana nito, si Pipoy pare nagsuggest nito" sabi ni Bobby. "So parang okay na kayo ni Pipoy" sabi ni Ryan. "Oo pare, okay naman siya e. Kalimutan niyo na yung basketball na yan, alam ko concerned lang siya kay Annika. Ganun din ako siguro pag nagkaboyfriend na younger sis ko" sabi ni Bobby. "E di pwede ko na ligawan sis mo, ano say mo kuya" biro ni Benjie at bigla siya siniko ni Bobby. "Tado ka twelve years old palang yon, subukan niyo lang pare sabi ko sa inyo" banta ni Bobby at nagtawanan silang tatlo.
Nakarating din sila sa hasyenda nina Bobby, lahat namangha sa laki ng lugar at nung bahay ng lolo at lola niya. Sinalubong sila ng pinsan ni Bobby na si Darwin at ang girlfriend niyang si Cherry. "O friends, sige may time pa bago lunch, sige you may go around" sabi ni Bobby at dumikit sa kanya si Annika. Nagsama sama sina Vashty, Robert, Benjie at Ryan na ikinagulat ni Annika. "Wow friends na sila?" tanong niya. "Oo may common thing, yung Dota, at least it's a start diba?" sabi ni Bobby. "Oo nga e, never ko naimagine ito na magsasama ang barkada mo at barkada ko" sabi n Annika.
"Salamat kay Pipoy at siya nagtext sa akin at nag suggest, or should I say nagdemand nito" kwento ni Bobby at tumawa silang dalawa. "Di ko alam yon ah, he never told me" sabi ni Annika. "Okay si Pipoy, akala ko talaga nagseselos siya pero now I understand him. Pati ako aminin ko protective ako sa little sis ko e. So pag may friends siya na guys kahit na twelve palang siya medyo mainit ulo ko. Ganun din siguro si Pipoy at first, basketball aside I am starting to like him" sabi ni Bobby at tumawa si Annika. "Oy, anong like yan? Baka mamaya makita ko nalang kayo na ang magkaholding hands ha" biro ni Annika at tumawa silang dalawa.
Sa malayo magkaholding hands na naglalakad si Anne at Pipoy, naupo sila sa ilalim ng isang puno at pinagmasdan ang tahimik na pagdaloy ng tubig sa batis. "Grabe medyo feeling ko out of place parin ako" sabi ni Anne at nagulat si Pipoy. "Ano? Wag dapat, ako nga nag suggest nit okay Bobby e kasi lagi sila out of place sa barkada. I know dapat tayo lang o sila lang dapat ni Annika, pero you just cant get rid of your friends dahil may relasyon ka na" sabi ni Pipoy.
"Oo I know that, I am not taking you away from them naman diba?" tanong ni Anne. "Yep but I am bringing you to them" sagot ni Pipoy at natawa si Anne. "Pero aaminin ko Anne ha, medyo worried din kasi ako about Annika, look barkada ni Bobby panay lalake, di ko naman sinasabi na rapist sila o masamang tao, pero what if nga diba? At least sa barkada namin mix, so kahit sila nalang makibagay sa amin, ikaw no problem naman kasi schoolmates at naging magkaklase narin kayo nung iba diba?" tanong ni Pipoy. "I understand, mabait ka talagang kaibigan, pero alam mo talaga noon akala ko talaga kayo ni Annika e" kwento ni Anne at natawa si Pipoy.
"Talaga? Bakit mo naman nasabi?" tanong in Pipoy. "Hello! Like what ba? O eversince elementary lagi kayo sabay. Tapos highschool kayo parin pero napansin ko lang mag closer kayo at parang sweeter sa isat isa. Parang kung nasan ka nandon din siya or vice versa. So akala talaga ng marami kayo e" kwento ni Anne at tumawa lang si Pipoy.
"So there is nothing between you two that would make me jealous then?" tanong ni Anne. "Wala, we are just bestfriends and that is why gusto ko din na makilala mo siya maigi" sagot ni Pipoy at nagngitian sila. Sinundo ni Vashty si Pipoy at hinila niya ito, "Pare bakit?" tanong ni Pipoy. "Basta halika na...ay hi Anne pahiram saglit nitong boyfriend mo ha" sabi ni Vashty at pumayag naman si Anne.
Lahat ng boys nagtipon sa grounds kasama si Bobby na sinundo ni Ryan. "Alam ko may basketball court sila pero nakakasawa na basketball, maglaro tayo ng football. Tamang tama to, apat apat, pero mix kaya magkakampi si Pipoy, Bobby, Sarry at Darwin. Tapos kami naman nina Ryan, Benjie, at Robert" sabi ni Vashty at nag agree sila lahat. Pagkatapos mapagusapan ang rules ay nagsimula na maglaro ang boys habang ang girls naman nagsama sama sa isang sulok.
"Hay naku ang mga lalake talaga, animalistic" sabi ni Beverly at nagtawanan sila. "Tignan mo yang laro nila ay naku naghahanap lang sila ng ikakasakit ng katawan nila" sabi ni Vem. "Hindi ganyan lang talaga mag bonding ang lalake, lalo na first time nila magsama sama, parang sa aso nag aamuyan muna" banat ni Ella at lalo pa sila natawa. "Ano gusto niyo makita silang ganyan o napapanood niyo na nag aamuyan sila ng pwet?" hirit ni Ella at halos mamatay na sila sa tawa kaya natigil ang mga boys para lang tignan sila.
"Ano naman kaya ang tinatawanan nila?" tanong ni Bobby. "Hay pare wag mo na pansinin mga yan may sariling mundo sila" sagot ni Sarry. "Ay yung bagong face powder naging sticky face kow" pabaklang biro ni Pipoy at mga boys naman ang nagtawanan. "Ano ba bagay sakin na kulay ng nails?" banat din ni Robert at nagwala na sa tawa ang mga boys at lahat sila naglarong parang bakla. Nag enjoy ang mga girls sa kapapanood sa boys, magkatabi si Anne at Annika, pareho sila tumatawa, ang di nila alam iisang lalake lang ang pinapanood nila.
Natapos ang sembreak at balik eskwela na, dismissal at naglalakad sina Pipoy at Anne papunta sa paradahan. Bigla nalang binangga ni Pipoy si Anne at muntik na siya nadapa buti nalang nahawakan siya ni Pipoy. "Ano ba ginagawa mo?" tanong ni Anne at natawa si Pipoy. "Ah wala, sorry, na lose balance ako, sorry" palusot ni Pipoy pero ang totoo akala niya katabi niya si Annika.
Nagtuloy sila ng lakad at inakbayan ni Pipoy si Anne pero bigla siya tinignan nito at inalis ang kamay niya sa balikat. "Pipoy, diba sabi ko wag dito madaming tao baka may makakita lalo na malapit na tayo sa paradahan baka may kapitbahay kami" sabi ni Anne kaya napakamot nalang si Pipoy at napangiti. Nang nakasakay na si Anne at naglakad na pabalik si Pipoy, para siyang nangungulila, namiss niya tuloy si Annika.
Pagdating ni Pipoy sa sa kanila nakita niya si Annika sa harapan ng bahay nila at may kausap sa cellphone. Lumapit si Pipoy at nginitian siya ni Annika at sinenyasan na mag antay, narinig niya na kausap niya si Bobby pero bigla nalang niyakap ni Pipoy si Annika.
Nagulat si Annika at sinubukan pumiglas pero lalo hinigpitan ni Pipoy ang yakap niya, napatingin si Annika sa kaibigan nya at nakita niya na nakasara ang mga mata ni Pipoy. Pinatay ni Annika ang phone niya at yumakap din kay Pipoy. "Poy bakit, may problema ka ba?" tanong ni Annika. "Wala, namiss lang kita" sabi ni Pipoy at napangiti si Annika. "Gusto mo pasok tayo at gawan kita ng meryenda?" tanong in Annika. "Shhhh...ganito lang pwede?" sagot ni Pipoy at tumahimik si Annika at sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ng kanyang kaibigan.
Sampung minuto sila nakatayo at nagyayakapan, bumitaw si Pipoy at nginitian niya si Annika. "Samalat" sabi niya at tinitigan niya at tinitigan siya ni Annika. "Ano ba may problema ka ba?" tanong ni Annika. "Wala talaga, I just missed you all of a sudden" sagot ni Pipoy at naglakad na siya pabalik sa kanila. "Oy Poy, kung may problema ka you can tell me" pahabol ni Annika. Tumigil si Pipoy at nilingon si Annika sabay nginitian, "Pag meron ikaw una makakaalam" sabi ni Pipoy sabay kaway. Pumasok na si Annika sa bahay habang si Pipoy tumayo sa may pinto nila at tinignan ang pinto nina Annika. "I just realized that she isn't you" bulong niya sa sarili nya.
Huwebes ng dismissal ay naglalakad papunta sa paradahan sina Pipoy at Anne nang biglang umambon. Sumilong sila saglit at sabay pa nagbukas ng bag, naunang naglabas ng payong si Anne, "Hay kayong mga lalake tamad magdala ng payong e maliit lang naman at kasya sa bag" sabi ni Anne at di niya nakita na naglalabas narin si Pipoy pero di na niya tinuloy.
Hinawakan ni Pipoy ang payong at nagtuloy sila maglakad, tuloy ang pagsermon sa kanya ni Anne tungkol sa pagdadala ng payong pero tila nabingi siya pagkat naalala niya ang nakaraan kung saan siya ang nagbibigay ng sermon kay Annika tungkol sa same topic.
Pagsakay ni Anne sa jeep ay inabot niya ang payong kay Pipoy pero tumanggi ito. "E pano ka?" tanong ni Anne. "I will be fine, don't worry" sagot ni Pipoy sabay ngiti. Umalis na ang jeep at nanatili si Pipoy sa waiting shed saglit hanggang sa makalayo ang jeep. Binuksan ni Pipoy ang bag niya at may dalawang payong sa loob, nilabas niya ang dilaw na payong na never pa nagamit, ito sana ang gusto niya ibigay kay Annika noon pero ayaw naman kunin ng kaibigan niya. Ginamit niya ang dilaw na payong saka naglakad na pabalik.
Samantala sa labas ng isang fastfood resto nagsilong si Bobby at Annika, gusto nang makauwi ni Annika pero lumakas ang ulan at walang dalang payong si Bobby. Wala magawa si Annika kundi maalala si Pipoy, laging handa ang kaibigan niya sa mga araw na ganito. Habang lumalakas ang ulan wala magawa si Annika kundi pagmasdan ang mga patak sa kalsada, kinakausap siya ni Bobby pero sadyan siyang nabingi at tanging ang patak ng ulan ang naririnig niya.
Mabagal ang lakad ni Pipoy at nakaabot na siya sa school nila, nilingon niya ang paligid at nagdasal na nandon si Annika pero wala ang kaibigan niya. Huminga siya ng malalim at tumingin saglit sa langit at nagpatuloy na ng lakad.
"Pangarap ko, sanay di tayo magkalayo. Ang tangi kong hinihiling ay ang pag ibig mo" kanta ni Pipoy sabay muling napatingin sa langit.
At that same moment nakatingin din si Annika sa langit at nagimula kumanta, "Umiikot ang mundo para sa akin at sa iyo, liliwanag ang lahat, pag ibig ay sapat, diba?" kanta niya at napatingin sa kanya si Bobby pero ngumiti lang si Annika.
"Kahit na umulan man o umaraw. Payong koy iyong maasahan. Di ka na mababasa ng ulan. Di ka na mababasa ng ulan" sabay nilang kinanta kahit na magkalayo sila. Sabay na sabay sa bawat bigkas akala mo kung magkatabi sila.
Agad tumakbo si Annika at nagpara ng taxi, iniwan niya si Bobby at umuwi na. Twenty minutes later nakarating siya sa kanila at eksaktong nakarating narin si Pipoy. Binuksan ni Pipoy ang pinto ng taxi at pinayungan si Annika. Napangiti sila sa isat isa at wala pang salita sabay sila bigla kumanta.
"Di ka na mababasa ng ulan...ella ella ella" sabay nagtawanan sila. Umakbay si Pipoy kay Annika at naglakad lakad sila sa ilalim ng ulan, tila sumabay ang panahon at sumilip ang araw at tumila ang ulan. Binaba ni Pipoy ang payong at sabay sila napatingin sa langit.
"Ala na eh eh eh eh, ala nang ulan eh eh eh" kanta ni Pipoy at tawa ng tawa si Annika. "Ako naman nakamiss sa iyo" sabi ni Annika at ngumiti si Pipoy at binangga si Annika. Bumawi si Annika at napalakas ang pagbangga niya kay Pipoy. Acting naman si Pipoy na napatapis at lalo natawa si Annika.
"Poy...I really missed you"
"Kasi di ako siya, at di ikaw siya" biro ni Pipoy at tawa sila ng tawa.
Add Comment
Comments(0)
All About Love
All myBlogs of jjjkira
myBlogs
 Home Login Register