mywap
Mga Patok na Negosyo sa Pilipinas
By: inquisition
Added: 25February2012 - 01:01:05pm
Title: Mga Patok na Negosyo sa Pilipinas
-repost-

Blog request by: nagel_acooh

Noon pa mang nagtatrabaho pa ako ay pinapangarap ko nang magkaroon ng negosyo. Lalo pa noong nabasa ko ang librong Rich Dad Poor Dad kung saan sinasabi roon na ang malaking bilang ng taong maunlad sa mundo ay iyung mga may negosyo.

Maganda man ang iyong trabaho, pero tiyak akong ang kita mo rito ay hindi talaga sapat kung nais mong pangarapin na magkaroon ng komportableng buhay, may bahay, may ari-arian, may kotse at iba pa. Iyun bang tinatawag na financial freedom. Pero kung sasabayan mo ng pag-nenegosyo ay tiyak na may direksyon ka sa pag-unlad.

Iyan ang tunay na dahilan kung bakit dapat ma-enganyo ang Pinoy na sumubok mag-negosyo.

Ngunit hindi nga naman ganun kadali ang magsimula ng isang negosyo dahil na rin sa walang pagkukuhanan ng puhunan. Tama, mahalaga ang kapital para makapagsimula. Huwag kang mag-alala, hindi naman agad-agad ay sasabak ka sa negosyo na gamit ang malaking kapital. Maiging sumubok ka muna sa maliit. Ito ang ilan sa mga patok na negosyo sa Pilipinas na maaari mong subukan.

Network Marketing

Ang network marketing. Hindi po ito iyung pyramiding o madaliang kitaan. Ang network marketing o mas kilala sa tawag na networking sa Pilipinas ay lehitimo kung mayroong produktong ibinebenta. Patok na patok ang negosyong ito lalo na sa mga estudyante na nais ng part time income, mga nagtatrabaho ng full time pero nais pa ng extra income, sa mga pinoy bloggers na nais mag-endorso ng lokal na produkto at pati na rin sa mga Pilipino na hirap sa paghahanap ng trabaho.

Isa sa mga bagong network marketing company ngayon sa Pilipinas ay ang Vera 7. Sa kumpanyang ito ay maaari mo nang simulan ang iyong negosyo sa halagang 770 pesos lang. May kasama nang produkto iyun na 750 pesos ang halaga. Maaari mong ibenta para paikutin ang pera.


Sa Vera 7 ay mayroong ilang paraan para kumita; magbenta ng produkto, kumita ng hanggang 50% na commission o mag-imbita ng kaibigan at kumita ng 270.00 pesos o higit pa kada taong sasali.

Nakakatuwa ngang isipin na nang dahil sa Vera 7 ay kumikita na ang blog kong ito. Akala ko nung una ay hindi pwedeng kumita ang isang blog na naisulat sa tagalog, pero nang dahil sa pagsali ko sa Vera 7 at pagpapakilala ng produkto nila sa blog kong ito ay nagkaroon na ako ng Full time na pagkakakitaan. Opo, sa blog na ito pa lang ay kumikita na ako ng hindi bababa sa 1,000 pesos kada araw at dahil po iyan sa aking mga mambabasa na nagkakagusto rin na bumili ng mga produkto ng Vera 7. O hindi ba't patok na negosyo ito.

Paano pa kaya kung balak mong ipakilala pa ito sa pamamagitan ng flyering, banner marketing at telemarketing? O di kaya nama'y mayroon kang balak na umupa ng pwesto para ibenta ang mga produkto ng Vera 7. Tiyak na posibleng kitain mo ay higit 50,000 pesos sa isang buwan. Visit vera7.net for details


Food Cart Business

Patok rin na negosyo sa Pilipinas ang food cart business. Ngayong summer nga, ay usong-uso ang ice scramble food cart. Ang halaga ng franchise fee para sa food cart ay nagsisimula sa 26,888.00 lamang. Hindi lamang ice scramble ang patok dahil mayroon ding siomai, siopao, fried dumplings, stir fry noodles atbp. Ito ang listahan ng mga patok na food cart ngayon sa Pilipinas:


Icy Pink Scramble - 42,888 ang halaga ng franchise - ice scramble atbp
Pinoy Pao- 26,888.00- siopao siomai atbp
Emperor's Siomai - 26,888- siomai atbp
Red Bowl Toppings - 26,888- chicken teriyaki atbp
O'noodle- 26,888 - stir fry noodles atbp
Jack Eatables- 26,888 - fishballs, squid balls atbp.
Burgeroo- 26,888 - burger atbp.
Happy Waffle- 42,888 - waffles
Pizza Pinoy- 26,888 - pinoy style na pizza
Patatas Pries- 26,888 - pinoy style na potato fries
Sisig Stop- 42,888 - sisig na baboy, atbp
Rainbow Juicer- 42,888 - mga samalamig
Putpot Puto Pao- 42,888 - pinoy puto

O hindi ba't sa murang puhunan ay maaari ka nang magkaroon ng food cart na negosyo. Tiyak ang asenso mo rito lalo na't kung ipupuwesto mo ito sa mataong lugar tulad ng eskwelahan, simbahan, tiangge, atbp. Sa puhunang hindi hihigit sa 50k ay posibleng kitain mo ay 30,000 per month o higit pa.

Kung kayo po ay interesado na mag franchise ng food cart ay matutulungan ko po kayo. Maaari ko po kayong ma-schedule para po makita ninyo ang aming Showroom malapit sa Greenhills.


Printing Business

Para sa mga mahilig sa fashion, uso pa rin ang ink refilling station business at iba pang may kinalaman sa printing business tulad ng photo printing, t shirt printing, atbp. Sa halagang 20,000 pesos ay maaari mo nang subukan ang mag franchise nito. O di kaya nama'y bumili ka ng iyong printer at computer. Sa mga kapitbahay mo pa lang ay tiyak na ang kita mo. Posibleng kitain mo: 15,000.00 pesos sa isang buwan.


Cellphone Eloading Business

Syempre pa, hindi pa rin mawawala ang karisma ng eloading business. Ngayon nga'y pwede mo na rin itong gawin gamit ang computer mo. Maaari kang sumali sa load.com.ph, para makapagsimula. Huwag mo nang itanong kung sino-sino ang pwede mong bentahan ng load dahil sa dami ng tao sa Pilipinas na may cellphone, imposibleng hindi ka kikita. Maaari mong kitain: 5,000.00 pesos kada buwan

Sa panahon ngayon, kailangan mo na ng diskarte para kumita. Sa tamang oportunidad ay malayo ang mararating ng iyong sipag at tiyaga. Huwag kang matakot na sumubok sa negosyo, dahil nandito ang pera, dito mo tunay na maaabot lahat ng pangarap mo sa buhay. Hindi mo naman kinakailangan na iwan ang iyung trabaho, dahil ang ilang patok na negosyo na ito sa Pilipinas ay maaari mong gawin kahit nasa bahay ka lang kasama ng iyong pamilya. Wala kang boss. Wala kang oras na sinusunod. Hindi ba't 'yun naman ang nais natin.

Paano ka kikita ng malaking pera sa Pilipinas? Maghanap ng pagkakakitaan at magsimula ka na ngayong sumubok ng mga patok na negosyong nabanggit ko para malaman mo kung paano.

----
Source: http://tipsnikatoto.blogspot.com/2011/04/ano-anu-ang-patok-na-negosyo-sa.html

Add Comment
Comments(1)
News/Showbiz
All myBlogs of inquisition
myBlogs
 Home Login Register