mywap
Paano nagiging maganda ang babae?
By: rapunzel
Added: 11July2013 - 12:25:38am
Title: Paano nagiging maganda ang babae?


Paano ba nagiging maganda ang isang babae?


i.

Dahil ba sa pananamit namin? Siguro nga. Kasi nagsusuot kami ng sobrang ikli na mga shorts o kaya mga dress kaya kami nagiging maganda para sa inyo. Kasi ang hilig namin magsuot ngmga daring na mga damit. Paano na lang kapag isang araw ay nakita niyo kaming mga lalake na naka-palda ng abot paa na ang haba at hindi na kami nagpapakita ng balat sa tyan o sa hita? Maganda pa ba kami nun sa inyo? Malamang hindi na.


ii.

Dahil ba sa mga kulay na nilalagay namin sa mukha namin? Yung mga make-up na nilalagay namin, dahil doon ba? Siguro nga. Kasi nag-iiba yung mga mukha namin kapag naglalagay ng make-up eh. Kaya namin pagandahin ang mukha namin ng dahil sa make-up. Pero paano na lang kapag nakita mo kami ng walang make-up? Ano na? Pangit na ba kami para sa inyo?


iii.

Dahil ba sa effect sa camera kaya kayo nagagandahan sa amin? Effect lang yun sa camera, ibang iba itsura namin kapag walang filter o effect. Yung mga maraming tigyawat dyan na babae, nawawala ang tigyawat kapag may filter. Yung mga maiitim, nagiging maputi dahil may filter. Ano na ngayon? Paano kapag sobrang dami pala ng tigyawat namin at ang iitim namin?


iv.

Try niyo naman tumingin sa ugali naming mga babae bago niyo kami sabihan ng maganda o ng pangit. Yung iba kasi ay maganda lang ang panlabas na anyo pero ang sama sama pala niya. Yung iba naman ay pangit ang panlabas na anyo pero ubod naman ng bait. Naiintindihan niyo ba? -nicker-











Source -arrow- inksandwordss










Add Comment
Comments(6)
Other
All myBlogs of rapunzel
myBlogs
 Home Login Register